Home
humihimig [entries|friends|calendar]
moneo

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ calendar | livejournal calendar ]

last note for this blog [16 Aug 2007|09:46am]
This is just for formality.  A number of you already noticed I've moved.
post comment

what my name means... [14 Aug 2007|02:35am]
...according to this site

You entered: Anna Trisha Monica Diaz Osorio

There are 26 letters in your name.
Those 26 letters total to 129
There are 13 vowels and 13 consonants in your name.
 
What your first name means:
SwedishFemaleGrace.
RussianFemaleGrace.
Native AmericanFemaleMother (Algonquin).
LatinFemaleVariant of Anne. Biblical; devout woman who saw infant Jesus presented at the temple in Jerusalem. Daughter of Dido.
HebrewFemaleFavour or grace. Prayer. God has favoured me. Variant of Hannah.
GreekFemaleA variant of Hannah. In Virgil's 'Aeneid', Anna was sister of Dido, Queen of Carthage. According to an apocryphal gospel, Anna was also the mother of the Virgin Mary.
EnglishMaleName of a king.
EnglishFemaleVariant of Anne, meaning favor; grace.
BiblicalFemaleGracious; one who gives.
Arthurian LegendFemaleArthur's sister.
Anglo-SaxonMaleName of a king.

Your number is: 3

The characteristics of #3 are: Expression, verbalization, socialization, the arts, the joy of living.

The expression or destiny for #3:
An Expression of 3 produces a quest for destiny with words along a variety of lines that may include writing, speaking, singing, acting or teaching; our entertainers, writers, litigators, teachers, salesmen, and composers. You also have the destiny to sell yourself or sell just about any product that comes along. You are imaginative in your presentation, and you may have creative talents in the arts, although these are more likely to be latent. You are an optimistic person that seems ever enthusiastic about life and living. You are friendly, loving and social, and people like you because you are charming and such a good conversationalist. Your ability to communicate may often inspire others. It is your role in life to inspire and motivate; to raise the spirits of those around you.

The negative side of number 3 Expression is superficiality. You may tend to scatter your forces and simply be too easygoing. It is advisable for the negative 3 to avoid dwelling on trivial matters, especially gossip.

Your Soul Urge number is: 11

A Soul Urge number of 11 means:
With the 11 Soul Urge, much of your thinking and interests relate to the abstract, the spiritual, and utopian dreams. You are motivated toward idealistic concepts, and the sharing of your ideas and concepts with humanity. This number is not one that is giving in a material or a practical sense, but rather one who desires to help mankind with a more abstract commodity such as religion, spiritualism, occult studies, or even psychic abilities.

If you possess the positive 11 Soul Urge traits, you have a dream of the perfect world; you are highly idealistic and inspirational. Your inner strength and devotion to your beliefs are extremely strong. You have a very good mind that is especially well equipped to handle the higher, more abstract forms of thought.

If there is an excess of 11 energy in your makeup, you may possess some the negative 11 traits. There is a tendency for the 11 to produce considerable amounts of nervous tension which is bought on by a very high level of awareness. You may be too sensitive and overly emotional. In some cases, these sensitivities and emotions are quite repressed, and this tends to add even more to the sense of nervousness in the makeup.

The strong 11 is not a very practical person because of the extreme idealism; often, there is a degree of self-deception present. There is usually a rather fixed idea of right and wrong held by those showing strong 11 traits, and with this very often is a resulting attitude of inflexibility.

Your Inner Dream number is: 1

An Inner Dream number of 1 means:
You dream of being a leader and one who is in charge. You want to be known for your courage, daring, and original ideas. You seek unconquered heights. People may get a first impression that you are very aggressive and sure of yourself.


1 comment|post comment

Cinemalaya '07 at UP [30 Jul 2007|12:40am]
post comment

yet another route [13 Jul 2007|08:50pm]
Nagkita kami ni Kax kahapon.  Pareho kaming pagod pero okay lang naman.  Hindi pala alam ng taxi ang daan papuntang Katipunan mula sa Kalayaan.  O well.  Ang mga taxi drivers talaga.  I seldom trust them. 

Kanina, sumakay ako ng taxi kasi mahuhuli ako kung hindi.  30 mins lang ang biyahe kung sa Katipunan Ave. dadaan.  Iyon lang, madalas kasi akong makakita ng naaaksidente roon kaya hindi ko gustong dumaan dun unless si Papa ang maghahatid sa akin.  Pero kanina, dahil ayokong mahuli, sige na.  Nagtaxi na ako.  Nagulat nga akong alam niya ang daan.  Alam niyang liliko sa Abada st. para makaaykat ng flyover ng Katipunan Ave., kilala niya ang taxi niya at alam na baka mag-overheat ito sa Canley Road, alam niyang may gasoline station sa tapat ng Jade Palace.  Sana ganoon ang karamihan sa mga taxi drivers, maalam sa daan.

Kadarating lang ni tabby kanina at ninakawan ako ng pagkain.  Hehehehe.  Malas lang din niya at wala ako gaanong dala ngayon kundi crackers.  Kinain ko na 'yung cream-o sa taxi.  Pero pangako sa sarili, hindi ko sasanayin ang sarili sa Katipunan Ave., pag pagod lang siguro ako o late.  At nag-ym message na si tabs to tell me na masarap ang crackers.  Blue Skies iyon na Milk flavor--the only cracker I like to eat. 

Sinubukan ko lang magtaxi papunta rito kasi hindi ko pa nasusubukan.  At gusto kong malaman kung magkano ako aabutin.  Okay lang naman pala. 

post comment

My horoscope for today says [09 Jul 2007|08:11pm]

Gemini (May 21 - Jun 21)[?]

Gemini

The Bottom Line

Try to keep your communication to a minimum -- being incommunicado will help you.

In Detail

Try to keep your communication to a minimum -- do you really need to be in contact with the world constantly? So many people walk around glued to their cell phones; are you one of them? Staying connected electronically to someone far away is preventing you from appreciating your current environment. Curb your cell phone use, and save your conversation skills for the people who are with you now -- you know, the people who are patiently waiting for you to get off the phone.

post comment

would-be road trip [25 Jun 2007|07:46pm]
I texted Aleck kanina to tell her dadalawin namin siya ni Tabby sa July 15. Her reply sounded so happy. Ayan, dapat talaga matuloy ang pagdalaw na iyon. Gusto ko na ring makita si Gael in person. Ipinadala sa akin ni Aleck ang instructions kung paano pumunta sa kanila. At dahil si Aleck iyon, sinabi lang niyang from Taft, sumakay ng bus papuntang Pilar at bumaba sa Jollibee. Pero teka, saang Jollibee kami bababa? Sa Pilar? O well.. Tinanong ko na siya at baka sumagot bukas o mamaya. Sana hindi kami mawala. I have never been to Las Pinas. And I wonder what to give the little angel.


1 comment|post comment

tatlo [23 Jun 2007|06:16pm]
I'm seriously considering na patayin na itong lj ko at ayusin na lang ang multiply ko para makalipat ako doon. Hindi ko pa lang nauupuan talaga. Siyempre, mabusisi ayusin ang skin at hinihintay ko pa ang ilang cd para makapag-upload ng pics. Haay.

That aside, masaya naman ang linggong ito. Nabawasan ako ng 16 short papers na kailangang isulat, nalaman kong binigyan din ako ng grade ni Ma'am Beni kahit wala akong ipinasang papel (at hindi ako nakapagreport). Bale 3 long papers na lang ang kailangan kong isulat para maging complete sa dalawang subjects. Yiiii!!! :D Nabubuhayan talaga akong matatapos ko naman ang tatlong papel in time for the second sem.

Hindi pa ako masyadong seryoso sa paghahanap ng trabaho ngayon. Tatlong kaibigan lang ang binigyan ko ng resume. Ayoko sanang sa Makati mapadpad kaya hesitant pa akong mag-abot ng resume. Doon ko kasi alam kung saan magbibigay. Wala ako halos alam sa Ortigas o sa Libis. Pero hanggang Ortigas ko lang talaga kakayanin kung sakali, kasi babalik na ako sa pag-aaral next sem. Kailangan iyung makakaya kong tumakbo papuntang Katipunan.

Inumpisahan ko na kagabi ang "The Wind-up Bird Chronicle" ni Murakami. Sana matapos ko ang Book 1 bago matulog mamaya.
post comment

[18 Jun 2007|07:19pm]
Dumating na rin ang Globe kanina at kinabitan kami ng net. Yes! At naubos ang oras ko sa kababasa ng emails at friends' blog entries for the past month. Samantala, magmamarathon sana ako ng Matrix kanina. Hay, isang linggo pa lang ako dito sa Manila. Halos araw-araw akong umaalis at nakikipagkita sa mga kakilala. Nakapapagod. Hindi mabuti para sa ubo ko, but the past week was really something.

The vacation was also something. And I must say, marunong-runong na akong magbakasyon ngayon. I owe it to Nan, na pinagalitan ako for not enjoying "the vacation" I was having then. Sa duffel bag, na iningatan ang mga gamit ko, the white bunny that hanged on my cel, and to unlitext. Hahahahaha. May namatay siguro sa akin kung wala iyon.

It was a warm vacation. I bonded with my cousins, gumala-gala, wake up to good food and music. Pagbalik ko dito, marunong na akong yumakap. So unlike me. Noong nakita ko si Ma'am Beni, pinigilan ko lang ang sarili na yakapin siya. Kahit noong Sabado, yayakapin ko na sana si Sir Rio noong nagpaalam akong may pupuntahan pang iba. Pero hindi ko ginawa. Ewan ko ba, nahihiya pa akong aminin na may nagbago sa akin. Hahahahahaha. As if it's not apparent!
2 comments|post comment

[15 May 2007|08:58am]
I'm making peace with water. Naliligo na ulit ako sa dagat at sa pool. Hahahahaha. After 9 years!!
post comment

High Chair launches 3 poetry books [09 May 2007|11:46am]
Poetry books to be launched

High Chair will unveil three new collections by poets Marc Gaba, Jose Perez Beduya, and Mesandel Virtusio Arguelles. It will be held on May 25, 5pm, at the UP Press Bookstore, Balay Kalinaw, UP Diliman.

Titles to be launched include Gaba's How Sound Becomes A Name, Beduya's Seem, and Arguelles' Hindi man lang nakita.

A founding member of High Chair, Gaba received his MFA in Creative Writing from the prestigious Iowa Writers' Workshop. Last year, he won the Boston Review Poetry Prize.

Beduya finished his MFA in Creative Writing at Cornell University and currently holds a residency at the Santa Fe Art Institute.

Arguelles is the author of two previous collections of poetry, Menos Kuwarto and Ilahas. He won a Palanca award for his poetry in 2005.

The event will also coincide with the launch of seventh issue of High Chair's online poetry journal (www.highchair.com.ph)

Featured are new poems by American poet Frank Bidart, Rosmon Tuazon, Oliver Ortega, Kristine Domingo, Alex Gregorio, as well as critical essays on poetry by Marc Gaba, Conchitina Cruz, and Mabi David.

High Chair is a non-profit small press that aims to promote genuine interest in poetry in the Philippines. Apart from maintaining an online poetry website, it regularly publishes full-length books and chapbooks.

For more information, email highchair@gmail.com.
post comment

BBC, spidey [08 May 2007|08:36am]
1.

Hindi pa nga pala ako nakapagsusulat tungkol sa Bohol trip. Overnight lang kami doon at parang mga turista talaga. Una, kasi tinuhog ang pagpunta sa Baclayon church, Chocolate Hills, floating restaurant, lugar kung saan isinagawa ang blood compact, sa lugar kung saan may tarsier (na hindi mo maiaalis sa higpit ng pagkakakapit nito sa sanga), hanggang sa "magpahinga" sa BBC at kumain ng inihaw na pusit. Pangalawa, kahit saan kami magpunta, unang "concern" ang picture. Haay.. Nakakalungkot kapag iniisip ko. Ayoko pa man din ng "staged" photos. At naalala ko pa ang tula ni Mayo na tinalakay ko sa klase dati. Medyo nahiya tuloy ako at nanlata na totoong-totoo kasi iyon. Ganoon talaga tumingin sa guho o sa natira ang marami.

Sa Baclayon, may 9 na kampana pero 3 lang ang alam nilang kung paano patugtugin. Gawa raw ang simbahan sa lime sand at egg whites (kasi wala pang semento noon) kaya sobrang tagal nagawa ng simbahan. At ilang itlog kaya ang binasag para doon? Pero pag pumasok ka sa simbahang iyon, alam mong ginawa ito nang may ingat--kahit may mga bitak na rin sa kisame at nilulumot na (parang inamag ata) ang ilang pader. Sa Bacolod, may simbahan doon na ginawa rin nang may ingat. Balot sa mosaic na gawa sa shells ang kabuuang loob ng simbahan. Pati altar, mga santo, lahat, gawa sa shells. May ipinagbibili rin na naka-frame na imahen ni Maria pero saka na siguro ako bibili noon. O baka hindi religious image ang bilhin ko sa hinaharap, pero gusto ko noon.

Noong nagtext si Allan at itinanong kung anong pinagkakaabalahan ko ngayon, sinabi kong natutuwa akong lumibot sa mga lumang simbahan. Siguro, kasalanan din ni Mumble. Pero liban doon, iba rin kasi ang dating sa akin nang pumasok na nga kami sa iba't ibang simbahan. Lalo na nung napadpad lang kami ni Christian minsan sa simbahan na malapit sa SM Bacolod. At may simbahan sa Loboc na gusto kong puntahan. Nagulat pa ako noong una at hindi kasama iyon sa itinerary ng trip namin sa Bohol. Dinaan-daanan lang namin ang simbahan. Sabi ni Papa, hindi naman kasi maganda ang simbahan na iyon. Hindi siya "inayos" tulad ng Baclayon. Sa sinabi niyang iyon, mas gusto ko tuloy libutin ang simbahan na iyon. Kaya kapag natuloy sa Bohol sina Papa, sasama ulit ako (kahit nakakapagod ang biyahe at ayoko talaga ng pakiramdam nang nasa ferry at may alon).

Sobrang nakakatuwa ang Tarsier. Gusto kong mag-alaga noon. May sarili talaga siyang mundo. Nakakakapit lang sa sanga, iyon na iyon. At nakamulagat lang. Huwag daw hahawakan, sabi ng bantay. Maaaring lumapit. Hindi ko alam kung anong gagawin nito kung sakaling may humawak dito. Gayunman, okay na talaga sa akin ang ganoong alaga. Mukhang masaya naman siya sa pagkapit sa kaniyang sanga. At ako, masaya na rin akong tinitingnan lang siya.

2.
Sa may Tambuli, nag-snorkel kami. At mukhang may problema talaga ako sa paghinga sa bibig. Hindi ako nakapag-snorkel nang maayos. Hindi ko ginamit ang tamang goggles (yung natatakpan pati ilong) at mouth piece. Regular googgles lang ang ginamit ko. At naiilang talaga akong magsuot ng floater o life vest. Hindi naman sa kampante ako sa kakayahan kong lumangoy. Ang totoo niyan, matagal na akong hindi lumalangoy. Noong nasa BCC na lang ulit. Nagulat pa ako at marunong pa pala akong mag-float at konting basics. Medyo pareho siguro iyon sa pagbibisikleta na kapag natutuhan mo na, matatandaan na ng katawan iyon kahit matagal nang hindi ginagawa.

Noong bata pa ako, maraming pinakuhang lessons sa akin. Iba-iba kapag summer. Pansin ko, sa lahat ng nagturo sa akin, may naiiwang tinig sa isipan ko. Isa na doon ang hindi pagsuot ng floater. Nagsuot naman ako ng life vest, dahil nakatingin si papa (hehehe) pero tinanggal ko rin pagkababa sa tubig. Hindi kasi ako makalubog. Paano ko makikita ang mga isda?! Ayon, nakakatuwa sila. Lumalapit sila kasi may dala akong kanin (puso--yung diamond-like na kanin sa Cebu na binalot sa pinatuyong dahon ng niyog). Pero saglit lang, umahon na ako. Ang gugulo kasi ng mga batang kasama ko. Kumakapit sila sa akin minsan (kahit may floater) at parang lulubog ako. Sa bangka, pinapakain ko pa rin ang mga isda. Tinatapunan ko sila ng balat ng kinain kong hipon, at nagkukumpulan sila sa malapit. At oo, mas natutuwa rin akong pagmasdan sila mula sa ganoong layo.

3.

Hindi ko pa napapanood ang Spidey. Sumama ako sa city tour (sa father's side ko) dahil akala ko manonood na sila. Nagsuot pa ako ng contacts.. At bumalik ako kina Tita kasi akala ko, manonood na sila kahapon o ngayon pero mukhang sa weekend pa pala. Haay! Minsan tuloy, naiisip kong sana nasa Manila na ulit ako para napakadaling pumunta ng mall kung gusto ko. At madali ring maghatak ng makakasama.

4.

I really wish I'm selfish. Wala lang.
2 comments|post comment

At 7:20, [03 May 2007|08:53pm]
a beautiful sound woke me. Tumutugtog ng piano ang Tito ni Megs. Napaupo ako sa kama at matagal nanatiling ganoon habang nakikinig lang sa pagtugtog niya. Tapos pumasok si Megs sa kuwarto, "Ate Niks, it's not even 8am.." At oo nga pala, puyat din ako nang sinundang gabi (maaga natutulog ang mga tao sa bahay ni Tita kaya nang mag-doorbell ako at 10:30pm, hiyang-hiya ako nang si Tito at hindi si yaya ang nagbukas ng gate para sa akin. At nakakatawang isipin, 10:30 pa lang pero nahihiya na ako. Sa Manila, umuuwi ako ng 2am at walang kaso yun. :P ) at ang aga pa talaga para bumangon ako. Pero hindi ko kasi kayang higaan o tulugan ang ganoong kagandang tunog... Hindi ko kilala ang Tito niyang iyon. Noon ko lang yata siya nakita. Pero mabait siya. Nakikiupo siya sa amin pag nanonood kami ng dvds at lagi kaming inaabutan ng chocolates. Yum. :P

Pumunta na rin ako sa wakas sa Taoist temple, hindi ako nakapagdasal kasi malapit na ring magsara pagdating namin. Babalik na lang siguro ako doon. Gusto ko talagang magdasal doon (at maaari kasing magtanong, maghahagis ka ng dalawang bato na hugis half-moon). Sa tingin ko, magagawa ko pa naman iyon. Tuwang-tuwa ngang sinabi ni Tita Gigi kanina habang "ipinahihiram" ako sa father's side of the family, na tatlong linggo pa naman ako dito. (at natutuwa rin ako kay Tita kasi kahapon, nagtext pa talaga siya para itanong kung nakakain na ako at kung anong oras ako uuwi--kaya rin kahit pinapatulog ako ni Papa sa bahay ng lolo ko, mahihiya akong sabihin ito kay Tita kahit alam kong papayag naman siya). (Hahahahaha. I feel like I'm being hoarded pero okay lang sa akin. I like being there when I'm here). Sa 18th darating sina Mama. Sabi ni Papa, puwede naman akong maunang umuwi sa kanila basta hihintayin ko silang dumating dito. Sa Valenzuela na lang muna ako uuwi, pag nagkataon. Okay lang sa akin iyon. Basta, gusto kong nakauwi na ako bago magtapos ang Mayo.

Full moon yata ngayon. Sa Top kanina, pula ang buwan na naging dilaw tapos puti. Ang ganda ng view doon, parang Antipolo, na parang Tagaytay sa lamig. Medyo nakahihilo nga lang ang daan papunta doon dahil paikot-ikot (parang bagyo). Pero masayang tumambay doon. Sa susunod, sana mga kaibigan naman ang kasama ko. :P Okay lang din naman siguro kung mag-isa lang ako, wala namang masyadong tao roon. Hindi ko lang alam kung paano mangyayari iyon kasi matarik ang daan at mukhang hindi maaaring mag-commute papunta roon.

Maaga kaming pupunta ng Bohol bukas. 5am. Sana, makatulog ako nang mahaba-haba. Hindi ako sanay na 5 oras lang ang tulog. At ang totoo niyan, nahihilo na ako ngayon.
2 comments|post comment

if you can't take the heat, [03 May 2007|08:48pm]
stay out of the kitchen. Well, pinanood ko na si yaya habang nagluluto ng kare-kare. Pinanood ko lang talaga. Nagmukhang madali lang gawin pero matrabaho talaga. Nilaga na niya ang karne kahapon at inihanda na rin ang ilang kailangan kaya halos pinagsama-sama na lang niya ang mga ito pagdating ko. At hindi na ako magsusulat pa tungkol doon kasi sikreto nga pala iyon.

I lied. Ilang beses din akong nagising kagabi kaya masakit ang ulo ko ngayon.
2 comments|post comment

paborito [02 May 2007|11:15am]
Tuturuan ako ni Yaya Anne na magluto ng kare-kare bukas. :P May isang kondisyon lang daw sabi ni Tita: hindi dapat umalis sa pamilya ang recipe. Okay. I'm good with secrets. Haay. Namimiss ko na talaga ang kare-kare na iyon.. Hindi na kasi kayang magluto ni Mommy kaya usapan namin ni Lay, kailangan na naming matutuhan iyon. Kaysa naman sa taon ang lumilipas bago kami makakain ulit ng gusto naming luto.

May isang problema lang: inaaya ako ng Tita ko (father's side) na sumama sa city tour bukas. Paano 'yan?! Mababaw lang ito. Pero kasi, maselang gawain din naman ang kare-kare. Hindi naman araw-araw mailuluto iyon. Una, may kamahalan ang buntot. Pangalawa, ako lang naman talaga (dito sa mga relatives ko sa Cebu, at least) ang nasasabik dito. Ibig sabihin, unlikely na ulitin nila ang pagluluto para lang sa akin.
post comment

go with the flow [02 May 2007|11:02am]
Simula nang umalis ako ng Manila, wala akong plano. Basta, ngayon, nasa factory ako ng Tito ko (father side). Mabilis ang internet dito. Buti naman. Medyo mabagal kasi kina Tita (mother side) at wala namang malapit na internet cafe kaya wala akong magagawa doon kundi maghintay. At sa proseso, darating si Josh at aabalahin ako, kukulitin ang ilang kaibigan na ka-ym ko. Haay. Masaya naman but stressful at times.

Pupunta kami ng Tambuli ngayon. Hindi pa ako nakapupunta doon. Bukas, baka sumama ako sa city tour ng Tita ko sa mga relatives niya. Masaya siguro iyon. May Taoist temple daw dito. Gusto kong magdasal doon. Wala lang. At sana makapaglibot-libot din. Natutuwa ako sa mga simbahan ngayon. Sa Bacolod, iyon talaga ang ikinatuwa kong pinuntahan namin. May isa pa nga kaming pinuntahan ni Christian. At nakakatawang nalimutan naming nagdarasal nga pala ang mga tao doon.. Masyado kasi kaming abala sa pangungusap sa malalaking mga pinto, bintana, at imahen ng mga santo doon.

Naligaw nga pala ako sa Bacolod. Ang nangyari, hindi ako sumama sa Mambukal (pagod ako noon at hindi mabuti ang pakiramdam) at sumakay kami ni Christian (na kinukulit kong mag-LIRA pero baka hindi niya kayanin kasi sa Bicol siya umuuwi ngayon..) ng jeep mula Showroom (na malapit lang naman pala sa St. La Salle). Hahahahahaha. Mabuti at mabait ang mga nakasabay namin sa jeep, itinuro nila sa amin ang daan. :) City of smiles nga pala ang Bacolod. Totoo iyon. Mababait ang mga tao. Hindi nga lang sila magaling sa Filipino pero lagi ka nilang ngingitian.

Sa Cebu, wala pa naman akong nararating ngayon kundi Ayala Center. At hindi ko alam kung kailan ko mapapanood ang Spiderman. Kahapon sana, pero mukhang maraming tao kaya pinanood ko na lang ang Spiderman 1 sa dvd. Haay.. May maaaya kaya ako bukas o sa susunod na araw? Golden anniversary ng lola ng pinsan ko. Hindi ako kasama doon. Maaari naman, kung gusto ko. Pero nakakailang. Hindi ko kamag-anak ang mga iyon. Kilala ko ang ilan sa kanila pero affair nila iyon. Hindi ako sasama. Isa pa, ayokong magsuot ng formal dress sa friday. Wala lang. :P

Hindi rin ako sigurado kung maliligo ako mamaya sa Tambuli. Baka magpaaraw lang at maglaro sa buhangin. Pareho nga raw kami ng isa ko pang Tita, hanggang dalampasigan lang, babasain ang paa at pagmamasdan ang mga alon.
post comment

[24 Apr 2007|05:24pm]
Haay, I'm tired.  And I feel funny.  It's not just my tummy.  I better sleep. 
1 comment|post comment

come to think of it, it's funny [14 Mar 2007|11:28pm]

Maingat ako sa pagkilos ngayon kasi may sugat ako sa kanang balikat, sa tagiliran, may pasa sa kanang braso at sa dalawang tuhod.  

Muntikan nang ma-snatch ang bag ko kahapon.  Naglalakad kami ni Kakoi sa Abada nang may dalawang nakasakay sa motorsiklo.  Hindi namin pinansin kasi may tinatawag sila mula sa isang bahay (na wala nang nakasinding ilaw).  Akala ko, inaaya lang nilang umalis ang isang kaibigan.  Pero ayun, tingin sila nang tingin sa amin.  Tapos noong umabante na sila, biglang hinablot nung nakaupo sa likuran ang bag ko.  Hindi ko binitiwan dahil akin iyon.  Hindi ko na nga naisip na delikado pala..  Kung tutuusin, bag lang naman iyon.  Pero kasi, alam kong malulungkot talaga ako kapag nakuha nila iyon.  Kaya hindi ako bumitaw.  Nagpatumba na lang ako sa semento dahil hindi ko naman kayang tumakbo pa at habulin sila (at dahil din noong tinatantiya kong matumba sa semento, hindi naman ito masyadong madumi o mabato).  Salamat dahil nasa mas mababa ako (semento) at nanganib mahulog sa motorsiklo ang humablot ng bag ko kaya bumitiw na lang siya.

At mabuti na ring hindi siya nahulog.  Gulo pa iyon, kung sakali.  Experience talaga ang nangyari.  Masakit na nakakatawa.  Na tinawanan ko lang, tinawanan lang namin.  Pagkatapos ng nangyari, bumati ako kay Joseph.  Biniro ko pang nabati ko lang siya dahil hindi nakuha ang bag ko.  Hindi ko na ipinaliwanag ang nangyari kaya tulad ng inaasahan, naweirduhan lang siya sa sinabi ko.  Anong bag iyon?  Party bag?  Hahahaha.  Okay lang naman ako.  Walang nabaling buto at hindi tumama ang ulo ko sa semento (salamat sa isang term ng Judo at sa paulit-ulit na pagsasanay na tumumba).  Pero ayun, may self-imposed curfew na ako ngayon.  Hahahahaha.  At inililihim ko sa bahay ang nangyari kaya hindi ako makaaray kanina nang tapikin ni Papa ang balikat ko dahil hindi na naman niya alam kung paano lagyan ng subtitle ang pinanonood niyang dvd.

* * *

Hay, victorious ang pakiramdam.  Parang laban talaga and I was able to defend what is mine.  I'm just glad I still have my bag with me.  Iyon lang, have to deal with my wounds.  Nakasleeve-less pa man din ako nun.  Grr..

At kapag naiisip ko ngayon, concrete manifestation talaga iyung nangyari na may mga bagay na talagang mag-isa mong haharapin pero malaking bagay na alam mong hindi ka naman talaga nag-iisa.  Na may makakasama kang tatawa kapag tapos na ang lahat.  Hahahahahaha.  Dark talaga ng humor ko.  Shux.

7 comments|post comment

and the fish goes [12 Mar 2007|11:36pm]
Kauuwi ko lang galing sa klase ni Allan.  Hahahahaha.  Klase talaga iyon ni Ma'am Beni pero dahil wala siya kanina, gusto kong isiping klase iyon ni Allan.  Miss ko na rin maupo talaga sa klase niya.  Dami niyang sinabi kanina na nakakatuwa.  Kailangan ko ring mapaalalahanan sa mga iyon.


15 comments|post comment

variations on the same thing [10 Mar 2007|10:09pm]
7 comments|post comment

[09 Mar 2007|03:16pm]
Magbibihis na sana ako para pumunta ng Makati (re: scam thing) kasi kailangan kong ibalik ang dvd na ipinadala sa akin kasama ng "pag-isipan mo muna" crap at kung ano-ano pang sinabi nila (at 10pm, at gutom na ako noon kaya walang lakas magtaray.. hay!). Kahapon, habang nanonood ng No Man's Land, tinatawagan nila ako sa cel. Kaya rin, pinatay ko ang cel ko noon. Binubuksan lang paminsan-minsan para tingnan kung may mensahe. Ngayon, patay pa rin ang cel ko. HAHAHAHAHAHA. Sabi ni Papa, huwag na raw akong tumuloy sa Makati ngayon. Mapapagod lang ako at nagsasayang ng oras. Ipadala ko na lang via LBC ang dvd na iyon. Planong kong isabay ito sa isa pang ipadadala ko sa Bacolod. 

Noong college ako, may mababaw akong hiling.  Mababaw lang.  Kahapon, ibinalita sa aking mukhang matutupad na iyon.  Yehey!!  Nabubuhayan tuloy akong tuparin din ang ilang wishful thinking ko dati.  :P
2 comments|post comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement